RONDA Team , binigyang pagkilala ni Mayor Cynthia

Lubos na pinasalamatan ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi ang lahat ng mga bumubuo ng R-Revitalize O-Operation and N-NEUTRALIZATION of D-Drug Addiction and A-Anomalies o RONDA TEAM , kasabay ng ng pagdiriwang ng ikalawang taong pagkakatatag nito noong July 1.

Malaki aniya ang naitulong ng Ronda para maibsan ang mga naitatalang petty crimes lalo na sa gabi dagdag pa ni Mayor Cyn sa panayam ng DXMY.
Matatandaang gabi gabing nagsasanib pwersa ang mga elemento ng City PNP, Task Force Kutawato, CIDG, PDEA katuwang ang mga Barangay Officials, tanod at iba pang mga volunteers para mag ikot sa bawat sulok ng syudad.
Di na rin mabilang ang mga nahuli sa ginawang RONDA kasabay ng paglabag sa ibat ibang uri ng krimen at discipline hour dagdag ni Mayor Cyn.
Kinilala rin ang Cotabato City na the safest city sa Region 12 at 2nd safest city sa buong bansa bunsod sa naitulong ng Ronda.
Kaugnay nito, masayang ipinarating ni Mayor Cyn sa DXMY na inihalimbawa ng PNP 12 ang mga inisyatiba ng RONDA TEAM. Sinasabing sinimulan na rin itong ginagawa sa ibang syudad sa rehiyon.
Patuloy naman ang paghikayat ng alkalde sa lahat ng mga taga syudad na patuloy silang suportahan sa kanilang mga adbokasiya.

FB PIC:KARANCHO


Facebook Comments