Roque, ibinunyag na pinagsabihan siya na ihinto ang paggawa ng TikTok videos

96

Ibinunyag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi niya desisyon ang biglang paghinto sa pag-a-upload ng videos sa video-sharing platform na TikTok.

Ayon kay Roque, pinagsabihan siya na itigil ito nang bumalik siya sa Malacañang.


Bilang isang “TikTokerist,” sinabi ni Roque na isa ito sa kanyang libangan.

Hindi na tinukoy ni Roque kung sino ang nag-utos sa kanya nito.

Pero sinabi ni Roque na kapag bumalik siya sa kanyang pribadong buhay ay babalik ulit siya sa pagti-TikTok, kakanta at sasayaw.

Facebook Comments