Rose Nono Lin, itinanggi ang koneksyon sa Pharmally Pharmaceutical Corporation

Humarap ngayon sa ikapitong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si Rose Nono Lin at iginiit na wala siyang koneksyon sa gobyerno at hindi rin siya ang susi sa kontrobersyang iniimbestigahan ng Senado.

Mariing itinanggi ni Lin ang koneksyon sa Pharmally Pharmaceutical Corporation na nakakuha ng halos ₱10-bilyong kontrata para sa pagsuplay ng hinihinalang overpriced na face mask, Personal Protective Equipment (PPE) at iba pang pandemic supplies.

Nilinaw ni Lin na may share siya sa Pharmally Biological Inc. at ito ay iba at hindi konektado sa Pharmally Pharmaceutical.


Diin ni Lin, isang lehitimong negosyante ang kaniyang mister na si Weixiong Lin at hindi ito ang Allan Lim na iniuugnay sa iligal na droga.

Inamin ni Lin na kaibigan nila si dating Presidential Adviser Michael Yang na kanilang pinagkakatiwalaan at wala silang alam na masama tungkol dito.

Samantala, idinaing naman ni Lin kay Committee Chairman Senator Richard Gordon ang paninira sa kanya sa social media kung saan idinamay pa ang larawan ng kanyang mga anak na parehong menor de edad.

Diin ni Lin, walang anumang kaso laban sa kanya at sa asawa at pawang mga paninira lang ang lumalabas sa social media.

Facebook Comments