Aabot sa halos 3,000 indibidwal mula sa apat na rehiyon sa Northern Luzon ang inilikas dahil sa bagyong Rosita.
Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa 2,928 na pamilya o katumbas ng higit 10,122 tao muna sa Regions 1,2,3 at Cordillera Administrative Region (CAR) ang inilikas para matiyak ang kanilang kaligtasan mula sa landslides at pagguho ng lupa.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – aabot naman sa kabuoang 1,937 passengers, 189 rolling cargos, 11 vessels at isang motorbanca ang na-stranded sa mga pantalan sa Southern Luzon, Western Visayas, Bicol at Northeastern Luzon.
Nasa 520 lungsod at munisipalidad sa Regions 1,2,3, Calabarzon, 5, Cordillera at Metro Manila ang nagsuspinde ng klase.
24 na domestic flights at anim na international flights ang kinansela.
Nananatiling nakataas sa ‘red alert’ ang NDRRMC para mabantayan ang posibleng epekto ng bagyo.