Inaasahang magtataas sa red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDDRMC ngayong araw na ito dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong Rosita.
Ito ay ayon kay NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad pagkatapos ng pre disaster risk assessment meeting na isinagawa kahapon.
Kahapon aniya ay nasa blue alert ang NDRRMC, habang patuloy na lumalakas ang bagyong rosita na may lakas ng hanging 200kph at tumatahak pa-kanluran na may bilis na 20 kilometro kada oras patungong northern at central Luzon.
Inaasahang magdadala ng moderate to heavy rainfall ang bagyong Rosita sa central at northern Luzon simula ngayong araw.
Sa isinagawang PDRA meeting, nagbabala ang PAGASA na posibleng makaranas ng storm surge na may taas na 3 hanggang 2 metro sa mga baybayin ng Cagayan ay Isabela; habang 1 hanggang 2 metro naman sa baybayin ng La Union, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
May panganib din sa possibleng mga landslides partikular sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Inabisuhan na rin ng NDRRMC ang mga local DRRMCs sa mga apektadong lugar na maging handa sa worst possible scenario at pinayuhan ang publiko na patuloy na mag-monitor sa latest weather bulletins ng PAGASA.