Rotating brownouts, mararanasan sa Luzon

Asahan na ang rotating brownouts sa mga susunod na araw sa Luzon dahil sa patuloy pagkukumpuni sa mga planta.

Ayon sa Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, hanggang hindi naibabalik sa normal ang suplay ng kuryente ay wala silang magagawa ipatupad ang rotating brownouts.

Sabi ni Zaldarriaga, sa Abril 13 pa matatapos ang pagkukumpuni sa Sual at SLTEC Unit 1 at Abril 16 naman matatapos ang sa Pagbilao Unit 3 habang Abril 21 naman magbabalik-operasyon ang SLPGC Unit 2.


Aniya, kasama ang mga ito sa anim na plantang bumaba ang kapasidad na naging dahilan para numipis ang suplay ng reserbang kuryente at isailalim ang Luzon grid sa red alert ng dalawang beses at yellow alert ng apat na beses.

Paliwanag naman ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, nasa 1,452 megawatts ang nawala dahil bumigay ang unit 1 ng Sual Power Plant na nagbibigay ng 647 megawatt maximum supply.

Bumigay din aniya ang SLPGC Unit, Pagbilao Unit 3 at SLTEC Unit 1 habang bumaba naman ang kapasidad ng Malaya Unit 1 at Calaca Unit 1.

Facebook Comments