Rotational brownouts sa Metro Manila at Luzon, ipasisilip sa Kamara

Pinapasiyasat ni Assistant Majority Leader at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nararanasang rotational brownouts sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa Luzon.

Sa resolusyong inihain ni Castelo ay inaatasan ang House Committee on Energy na pinamumunuan ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo para manguna sa pagsisiyasat ng Kamara sa rotational brownouts.

“Despite the assurance of the Department of Energy during the hearing of the Joint Congressional Power Commission last April that it does not see any ‘demand-driven energy shortage’ during the summer season,” pahayag ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo.


Pinuna ng kongresista na nangyayari pa rin ang brownouts sa kabila ng pagtiyak noong Abril ng Department of Energy (DOE) na wala silang nakikitang energy shortage sa kasagsagan ng summer season.

Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Red at Yellow alerts ang Luzon bunsod ng pagbabang reserba at suplay ng kuryente at pagtaas naman ng demand dahil sa mainit na panahon kaya’t nagpatupad ng rotational brownout.

Binigyang diin ni Castelo na ngayong pandemya ay napakahalaga ng sapat na suplay ng kuryente para sa implimentasyon ng vaccination program, online class ng milyong mga estudyante at mga guro gayunarin para sa mga empleyadong naka-work from home.

Facebook Comments