Inihain din ng isang mambabatas ang panukala para ibalik ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa Grades 11 at 12.
Layunin ng panukala na itaas ang kapasidad ng bansa na makapag-produce ng manpower lalo na sa mga panahon na kinakailangan tulad ng gyera, kalamidad, at iba pang national o local emergencies.
Sa ilalim ng House Bill 2613 na inihain ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles ay lilikha ng ROTC Grievance Board na magiging sumbungan at siyang magiimbestiga sa mga reklamo ng korapsyon at pangaabuso sa ROTC.
Titiyakin ng board na hindi magagamit sa pamumulitika at pansariling interes ang ROTC program.
Sa ilalim ng batas, oobligahin ang mga Senior High Schools sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan na sumailalim sa ROTC bilang bahagi ng basic curricula ng Senior High School Education.
Hindi naman sasailalim sa mandatory ROTC ang mga physically o psychologically unfit, ang mga sumasailalim din sa kaparehong military training at mga varsity players.