ROTC magiging pangontra sa pagkahumaling ng mga bata sa gadgets at games ayon sa Malacañan

Naniniwala ang Palasyo ng Malacañan na panahon na para buhaying muli ang mandatory Reserved Officers Training Corps o RTOC sa mga paaralan.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa mga panahong ito ay nahuhumaling na ang mga kabataan sa gadgets at sa ibat-ibang games ay tama lamang na maibalik ang ROTC upang mabuhay ang pagiging makabayan ng mga bata at mas tumibay ang disiplina sa mga ito.

 

Kinontra naman ni Panelo ang mga grupo na tutol sa pagbabalik ng mandatory ROTC dahil sa kanyang karanasan ay malaki ang naitulong ng ROTC para mahubog ang kanyang disiplina at hindi totoo na mawawala ang malayang pagiisip ng mga estudyante at nagiging sunod-sunuran lang ang mga ito.


 

Matatandaan na sinertipikahang urgent bill na ni Pangulong Duterte ang Senate Bill number 2232 na magbabalik sa ROTC bilang mandatory subject sa Grade 11 at Grade 12.

Facebook Comments