ROTC, mas nararapat ibalik kaysa sa mandatory military service

Mas makatutulong kung gagawing alternatibo ang Reserve Officers Training Course (ROTC) sa halip na mandatory military service ayon kay Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana.

Sinabi ito ng kalihim kasunod ng panukalang mandatory military service ni Davao City Mayor at Vice Presidential Aspirant Sara Duterte – Carpio.

Ayon kay Lorenzana, may kaakibat na hamon ang mandatory military service partikular ang budget na kakailanganin para sa pagtatayo ng mga pasilidad sa pagsasanay na isasagawa kada taon.


Aniya, maganda ang layunin ng panukala dahil madadagdagan ang reserve force ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at maipauunawa sa publiko ang kahalagahan ng patriotismo at pagmamalasakit sa bansa.

Gayunpaman ay suportado ng DND ang panukala ni Mayor Sara Duterte-Carpio na siyang huhubog sa mga kabataan para ipagtanggol ang bansa sa kanilang murang edad.

Facebook Comments