Route rationalization program ng DOTr, tatapusin ngayong Nobyembre

Manila, Philippines – Isasabay sa PUV modernization program ang Route Rationalization Program ng DOTr.

Ayon kay DOTr Asec. Mark de Leon na ongoing ngayon ang route rationalization program kung saan aayusin din ang mga dadaanang ruta ng mga jeepneys at iba pang public utility vehicles.

Pag-aaralan ng DOTr sa tulong ng UP Diliman kung aling mga track roads sa Metro Manila ang maaaring i-upgrade ang mode of transportation at kung saan ang mga ruta na may mataas na demand ng transportasyon.


Target na matapos ang pagsusuri na ito sa Nobyembre.

Sa Cebu katuwang ng DOTR ang JICA sa route rationalization study at sa Davao naman ay katulong sa pag-aaral ang Asian Development Bank.

Aminado naman ang DOTr na limitado lamang ang kanilang kakayahan at mga tauhan para sa route rationalization program kaya kakailanganin nila ang tulong ng mga LGUs para magawa ang programa sa buong bansa.

Facebook Comments