Siniguro ng Armed Forces of the Philippines na magpapatuloy ang kanilang maritime patrol sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Ito ay sa harap na rin ng pagkalat pa ng Chinese Maritime Militia vessels sa Kalayaan Island Group sa Palawan at sa West Philippine Sea.
Una nang naiulat ang pananatili ng halos 200 mga Chinese vessels na ito sa Julian Felipe Reef.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, magpapatuloy ang kanilang mandato na protektahan ang soberanya ng bansa, katuwang ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at iba pang mga concerned agencies.
Batay sa kanilang monitoring, nananatili pa rin ang mga barko ng China sa karagatang pag-aari ng Pilipinas, sa kabila ng protesta ng bansa.
Facebook Comments