ROXAS ISABELA, BAGSAK ANG RATING SA ROAD CLEARING!

Cauayan City, Isabela – Bagsak ang rating ng Roxas, Isabela sa pagsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte na Road Clearing.

Ito ay ayon sa Assessment and Validation Rating na inilabas ng Departmentof Interior and Local Government (DILG).

Sa datos na inilabas ng DILG, sa buong region 2, tanging ang bayan ng Roxas ang nag iisang bumagsak sa panuntunan ng kagawaran.


Samantala, nakakuha ng high compliance ang tatlong Lungsod dito sa lalawigan. Ang mga ito ang nakakuha ng gradong mula 91 hanggang 100%.

Nakakuha din ng parehong grado ang 15 pang bayan na kinabibilangan ng Aurora, Cabagan, Dinapigue,Divilacan, Echague, Jones, Luna, Maconacon, Mallig, Palanan, Quirino, San Guillermo, San Mateo, San Pablo at Quezon, Isabela.

Nabigyan naman ng medium compliance o gradong mula 81-90% ang mga bayan ng Gamu, Benito Soliven, Delfin Albano, Cabatuan, Cordon, Alicia, Naguilian, Ramon, Reina Mercedes, San Manuel, San Mariano, Sta Maria, Sto Tomas at Tumauini, Isabela habang Low compliance (70-80%) ang nakuha ng mga bayan ng San Isidro at Angadanan, Isabela

Matatandaan na noong July 22, 2019 sa SONA ni Pangulong Rodrido Duterte, inatasan niya ang mga public officials na gamitin ang kanilang kapangyarihan para magsagawa ng Road Clearing Operation sa buong bansa.

Dahil dito, inilabas ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Ano ang Memorandum Circular No. 2019-121 para sa lahat ng Provincial Governors, Local Chief Executives, Punong Barangays at iba pang concerned officials na ipatupad ito.

Sa nasabing memorandum, ang sinumang hindi magpapatupad dito ay haharap ng kaukulang kasong administratibo.

Facebook Comments