ROYAL PORTRAIT | Ilang larawan sa binyag ni Prince Louis, isinapubliko na ng royal family

Isinapubliko na ng royal family ang ilang larawan sa katatapos na binyag ni Prince Louis sa Chapel Royal sa St. James Palace.

Sa inilabas na official portraits, makikita sina Prince William at Kate Middleton, Duchess of Cambridge, anak nilang sina Prince George at Princess Charlotte kasama din sina Prince Harry, Meghan Markle, Prince Charles at Camilla, Duchess of Cornwall at pamilya ni Kate.

Habang ang isa pang kuha ay kinabibilangan lamang ng royal family members.


Mayroon din mother and son moment si Kate at ang newest royal baby.

Si Matt Holyoak naman ang kinuhang official photographer habang si Angela Kelly ang nagsilbing dressmaker ng royal family.

Facebook Comments