England – Dahil damang-dama na ang wedding fever para sa nalalapit na kasal nina Prince Harry at Meghan Markle sa Britain.
Isang pastry chef ang nag-bake ng life-size cake ng royal couple.
Kwento ni Lara Mason, 250 hours ang ginugol niya bago natapos ang cake na gawa sa 300 itlog, 15 kilo ng harina, 15 kilo ng butter at 15 kilo ng asukal.
At dahil may taas na 6’2 si Prince Harry, ganito rin daw kataas ang kanyang cake na aniya ay pinakamataas na cake na nagawa niya sa buong buhay niya.
Pinakamahirap na part raw ay ang pag-ukit sa muka nina Harry at Meghan mula sa chocolate.
500 tao ang pwedeng mabusog ng katakam-takam na life-size cake.
Facebook Comments