Pormal nang nag-assume bilang bagong general manager ng Regional Ports and Management Authority-Autonomous Region in Muslim Mindanao (RPMA-ARMM) si G. Uso Dan I. Salasim, former assistant secretary ng Department of Interior and Local Government-ARMM (DILG-ARMM).
Pinangunahan ni ORG Chief of Staff Atty. Rasol Mitmug Jr., ang turn-over ceremony sa pagitan nina G. Salasim at RPMA outgoing OIC-General Manager Eshan Karl Mabang.
Nangako naman si Salasim na ipagpapatuloy ang mga reporma at mabuting pamamahala na ipinatupad ni Mabang.
Napag-alaman na nitong Oktubre 2017, ang RPMA-ARMM ay nakapag-remit ng P43 million sa Office of the Regional Treasury sa ARMM, tatlong beses na mas mataas kumpara sa nakalipas na taon na P12 million remittance.
Ang seaport system ng ARMM sa ilalim ng pamamahala ng RPMA ay sumasaklaw sa lahat ng base ports and terminal ports ng Maguindanao, Lanao del Sur, Tawi-Tawi at Basilan kabilang ang municipal at private ports, alinsunod sa Muslim Mindanao Autonomy Act. No. 287, kilalang ring “The Administrative Code of the ARMM” sang-ayon sa Presidential Executive Order No. 43 and DOC Department Order 97-1113.(photo credit:bpiarmm)
RPMA-ARMM, may bago nang general manager!
Facebook Comments