RR Pogoy at Raymar Jose, pinagmulta ng P20K

206

Pinatawan ng P20,000 multa ng PBA sina RR Pogoy ng TNT KaTropa at Raymar Jose ng Blackwater dahil sa nangyaring harutan ng dalawa sa kasagsagan ng kanilang laban noong isang linggo.

Sa gitna kasi ng timeout, binato ni Jose ng bola si Pogoy kung saan ito natamaan sa mukha.

Pero dahil sa rules ng PBA, agad pinaalis ng court si Jose.

Paglilinaw naman ni Jose na harutan lang nila ni Pogoy ang nangyari lalo at dati silang teamate sa FEU.

Tiniyak naman ni Pogoy na sasagutin niya ang kalahati sa ipinataw na multa kay Jose.

 

Facebook Comments