Mga labi ni Chokoleit, nasa Davao na

2374

Dumating na sa Davao City ang mga labi ni Jonathan Aguilar Garcia o mas kilalang Chokoleit.

Nakaburol ang labi ng komedyante sa Cosmopolitan Memorial Chapel matapos na pumanaw sa edad na 48 dahil sa atake sa puso.

Ayon sa kaibigan ni Chokoleit na si Allan Tiongson, kapag umuuwi ng Davao si Chokoleit ay tinitiyak nito na magkita silang magkakaibigan.

Dumating naman sa burol ni Chokoleit si Bayani Agbayani kung saan sinariwa siya ang huling pag-uusap nila ni Chokoleit.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamilya Garcia sa mga tumulong at nagbibigay pagmamahal kay Chokoleit.

Bukas sa publiko ang burol ni Chokoleit ngunit hiling ng pamilya na maging maayos ang pagbisita.

Alas-2 ng hapon sa Linggo, magkakaroon ng misa at pagkatapos ay icre-cremate na si Chokoleit.

Dinala rin ang urn ng ina ni Chokoleit mula Manila at isasabay sila sa columbarium sa Davao Memorial Parks.

Facebook Comments