RT-PCR Molecular Lab ng PNP sa Cebu bubuksan na rin

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Debold Sinas na malapit na nilang buksan ang kanilang RT-PCR Molecular Lab sa Cebu.

Ayon kay PNP Chief, hinihintay nalang nilang matapos sa pagsasanay ang kanilang mga technicians bago magsimula ng operasyon ang kanilang pinaka-bagong COVID- 19 testing facility.

Aniya kapag operational na, may kakayahan ang molecular lab na makapagsagawa ng mahigit 400 swab test kada araw.


Ang molecular lab sa Cebu na nagkakahalaga ng 10 milyong piso ay sinimulang itayo noong Hunyo ng nakaraang taon, at pinasinayaan ni Gen. Sinas noong Nobyembre.

Sa ngayon ay may dalawang operational na COVID testing facilities ang PNP sa Camp Crame na kayang makapag-test ng mahigit 400 tao kada araw.

Matatandaang iniutos ni Gen. Sinas ang pinalawak na testing ng mga PNP personnel para maagapan agad at ma-quarantine ang mga mag-positibo sa virus, bilang pag-iwas sa pagkalat ng sakit sa hanay ng mga PNP.

Facebook Comments