Nilinaw ng infectious disease expert na nananatiling epektibo sa pagdetect ng COVID-19 ang mga RT-PCR test kits na aprubado ng Food and Drug Administration.
Ito ay sa kabila ng kumakalat ngayon sa social media na pag-withdraw ang United States Centers for Disease Control sa paggamit ng RT-PCR dahil nagdudulot umano ito ng false COVID-19 positive sa mga may Influenza o flu.
Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, isang brand lamang ng RT-PCR test ang binawi ng US-CDC dahil mayroon silang bagong test kits na nakatutukoy ng COVID-19 at Influenza.
Kasunod nito, nilinaw rin ni Salvaña na hindi nagkakaroon ng false positive ang RT-PCR tests.
Facebook Comments