Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na susunod sa Rule of Law si Pangulong Rodrigo Duterte sa issue ng pagpapawalang bisa ng amnesty kay Senador Antonio Trillanes IV
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ang sinabi ni Pangulo sa naganao na maliit na cabinet meeting dito sa Amman Jordan kagabi.
Paliwanag ni Roque, hihintayin ni Pangulong Duterte ang anomang magiging kautusan ng civil court sa kaso ni Trillanes bago gumawa ng anomang hakbang partikular naman ang kaso ng Senador sa Militar sa ilalim ng Court Martial.
Sinabi ni Roque na wala namang dahilan para kay Trillanes na manatili pa sa Senado dahil hindi naman ito ipaaaresto ng Pangulo sa Militar dahil aabangan pa ng Pangulo ang desisyon ng Regional trial Court.
Pinayuhan din ni Roque si Trillanes na tigilan na ang kakadaldal at ipakita nalang nito ang kanyang received copy ng kanyang application form para sa amnesty., susunod sa anomang iutos ng korte sa kaso ni Senador Antonio Trillanes IV.