Run at Zumba Activities Ikinasa ng CSPPO Kaugnay ng National Remembrance for SAF 44

32

Ikinasa ng PNP Camarines Sur Provincial Office sa pamumuno ni Director PCOL Roderico Roy, Jr. ang Commemorative Run at Zumba activities kaugnay ng Day of National Remembrance for the SAF 44 ngayong araw.


Nagsimula ang aktibidad alas 4:30 ng umaga sa pamamagitan ng assembly sa grounds ng CSPPO.

Inanyahan din ni Roy ang Camarines Sur Press Corps na binubuo ng iba’t-ibang media men and women na makiisa sa nasabing aktibidad.

Makikita sa mga larawan ang mga kawani ng PNP Camarines Sur na nagsu-zumba sa Pili Municipal covered court.

Magugunitang ang SAF 44 ay ang mga namatay na myembro ng Special Action Force sa isang operasyon laban sa mga treroristas noong nakaraang January 25, 2015.

with report from RadyoMaN Manny Basa


Facebook Comments