Suspect Patay sa Drug Buy-Bust Operation ng Naga City Police Office

Nasamsam ng mga kawani ng Naga City Police Office kasama na ang iba pang Law Enforcement Units ang malaking halaga ng pinaghihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation kagabi sa Barangay Mabolo, Naga City.
Sa pamamagitan ng isang confidential informant, 2 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ang nabili mula sa suspect na nagkakahalaga inisyal-mente ng nasa 100 thousand pesos.
Habang isinasagawa ang operation, nakatunog ang suspect na kinilalang si Carlo Antonio Lupia na residente ng Brgy. Tarusanan, Camaligan, Camarines Sur. Sinubukan nitong magbunot ng kanyang dala-dalang baril subalit hindi na siya pinaporma pa ng mga alagad ng batas. Pinaputukan siya ng mga pulis at tinamaan siya ng malubha na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Sa pagkapkap pa ng mga pulis sa kanyang katawan, nakuhaan pa siya ng 2 pang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na pinalagay na nasa 125 grams pa ang timbang at may street value na umaabot sa 1 million pesos.
Nasamsam din ang kanyang 38 revolver na may mga bala.
with report and photos by RadyoMaN Paul Santos



Facebook Comments