Rural Bank of Mallig sa Tuguegarao City Cagayan, Nilooban!

Tuguegarao City, Cagayan – Nilooban ng mga hindi pa nakikilang mga suspek ang Rural Bank of Mallig na nasa lungsod ng Tuguegarao City, Cagayan kamakailan.

Tinatayang tatlong lalaking nakabonete ang pumasok na naturang bangko ngunit hindi nagtagumpay ang mga suspek na makakuha ng pera ng bangko matapos na mabulabog sa pagresponde ng mga kasapi ng PNP Tuguegarao City.

Ginawang daanan umano ng mga suspek ang drainage canal na katabi ng bangko.


Sa inisyal na pahayag mula sa PNP Tuguegarao City, itinawag umano ng isang concened citizen na nakatira sa pangalawang palapag ng gusali ang umanoy napansin niyang kaluskos at ingay sa unang palapag o sa loob ng bangko.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa mga katabing kanal ng bangko na posibleng ginamit rin ng mga suspek sa kanilang pagtakas.

Facebook Comments