Death toll sa nangyaring madugong head-on collision sa Gensan umakyat na sa 11

[image: 44657138_2185888588344547_6757305809534713856_o.jpg]
Umakyat na sa labing-isa ang binawian ng buhay sa nangyaring madugong disgrasya sa National Highway, Purok 5, Barangay Batomelong sa General Santos City kahapon alas-3 ng hapon.

Sa datus mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office kinilala ang mga nasawi na sakay sa van sina Estrella Entero Decenorio (7 buwan); Ricardo Entero Decenorio, 3 taong gulang; Zyrex Entero, 2-yr old; at mga nasa wastong gulang na sina Aiza Mae Entero na taga-Malungon; Ricardo Calmorin (taga Butuan), Adelayda Carmorin (Butuan), Maria Entero (Malungon), Rosario Aquino (Butuan), Merenie Entero Decenorio (Malungon), at sina Dominador Calob at Eduardo Roque na kapwa mga residente ng Davo Del Sur na sakay naman sa jeep.

Habang kinilala naman ang driver ng pampasaherong Van na si James Entero, samantalang Dominador Calob naman ang nasa Lawin Jeep na nasa kustodiya na sa Traffic Management Unit ng pulisya.


Facebook Comments