Rural Electrification Program, Palalawigin ng ISELCO II.
Ilagan City, Isabela- Lalong paiigtingin ng Isabela Electric Cooperative II (ISELCO) ang pagpapalawig ng kanilang programang Rural Electrification sa lahat ng nasasakupan nitong lugar.
Sa isinagawang press conference na dinaluhan ng RMN Cauayan News Team kanina, Marso 6, 2018 na may temang Ugnayang Pang-kooperatiba na pinangunahan nina ISELCO II General Manager David Solomon Siquian, Board Chairman Walfrido Binag, Rural Electrification Financing Corporation Iglorio Hinayon, PHILRECA President Presley De Jesus at ni panauhing pandangal National Electricification Administrator Edgardo Masongsong isa sa tinalakay ay ang tungkol sa pagpapa-ilaw sa mga lugar na hindi pa naaabot ng elektrisidad.
Sa mensaheng ibinahagi ni NEA Masongsong, sinabi nito na nasa tatlumpung Sitio pa umano sa nasasakupan ng ISELCO II ang dapat magkaroon at maabot ng kuryente.
Dagdag pa niya, ay mayroon umano itong 33.2 Milyong piso na nakalaang budget ngunit kulang ito para sa 30 na bilang ng sitio na dapat maabot ng kuryente kaya’t ayon sa kanya ay dadagdagan pa umano nila ito.
Kaylangan lamang umanong magsumiti ang ISELCO II ng bagong Estimated Price Index upang malaman ang idadagdag na pondo para makabitan na ng elektrisidad ang mga sitio.
Rural Electrification Program, Palalawigin ng ISELCO II.
Facebook Comments