Tatlong Tulak ng Droga, Natimbog sa Buy Bust!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – Arestado ang dalawang tulak ng droga sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng pinagsanib pwersa ng PNP Cagayan at PDEA RO2 kamakailan.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Weinright De Lumen Jr., trenta anyos at Maria Fidela, dalawampu’t siyam taong gulang, isang GRO na pawang mga residente ng Brgy. Pengue-Ruyu, Tuguegarao City.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan News, Naaktuhan sa pagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu si De Lumen sa isang police poseur buyer sa halagang isang libong piso.


Dahil dito ay agad na dinakip si De Lumen at nakuha pa sa kanyang pag-iingat ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu, dalawang unit ng Cellphone at buy bust money.

Samantala, arestado rin sa buy bust ang isa pang tulak ng droga na kinilalang si “Garello”.

Nakumpiska mula kay Garello ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at limang daang piso na buy bust money.

Nakuha rin mula sa kanyang pag-iingat ang apat na piraso ng aluminum foil, dalawang lighter at isang unit ng cellphone.

Hawak na ng pulisya ang mga suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments