RURAL HEALTH CENTER SA BUENLAG, CALASIAO, PANSAMANTALANG ISASARA

Pansamantalang isasara ang Rural Health Unit II (RHU II) sa Brgy. Buenlag, Calasiao dahil sa isinasagawang renobasyon ng pasilidad, ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan.

Habang patuloy ang pagsasaayos, ililipat sa Rural Health Unit I sa Brgy.Poblacion East ang konsultasyon habang sa Brgy. Hall naman ng Buenlag ipagpapatuloy ang prenatal check-up, routine immunizations, at family planning.

Ayon sa anunsyo, bahagi ito ng pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa bayan, lalo na sa pagbibigay ng mas ligtas at mas maayos na konsultasyon sa mga residente.

Panawagan ng tanggapan ang pang-unawa habang patuloy ang pagpapabuti ng pasilidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments