Ruru Madrid, muntik nang masagasaan ni Bianca Umali dahil daw sa selos?

How true ang chika na muntik nang masagasaan ni Bianca Umali ang rumored boyfriend na si Ruru Madrid.

Ito ang chika ng mga nakakita sa pag-aaway ng mag jowa sa parking lot ng isang mall noong November 5 ng gabi.

Nangyari umano ang insidente pagkatapos ng red-carpet premiere ng pelikula na pinagbibidahan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith.


Matinding selos daw ang pinagmulan ng pag-aaway ng dalawa kaya nagawa ito ni Bianca nang hindi sinasadya.

Una na rin umugong ang chismis na dati nang pinagseselosan ni Bianca si Jasmine dahil vocal si Ruru sa pagsasabing crush nito ang leading lady niya.

Inakala ng lahat na umuwi na si Bianca matapos na biglang lumabas sa sinehan kaya nagulat sila nang biglang lumitaw ang aktres sa parking lot.

Nasa loob daw ng sasakyan ang nobyo kasama sina Jasmine, Direk Ice Idanan at may dalawa pang kasama para sa after-party.

Sumilip sa bintana ng sasakyan daw ang aktres at sarcastic na nagsabi ng ‘congrats, ha?’ sabay alis pabalik sa kanyang kotse.

Bumaba raw si Ruru mula sa kanyang sasakyan at sinundan niya si Bianca pero nang buksan nito ang kotse ay itinulak umano ng aktres ang boyfriend saka pinaandar ang sasakyan kaya muntik nang masagasaan ang aktor.

Marami ang nakasaksi sa pangyayari, kabilang ang ama ni Ruru na si Bong Madrid na mahigpit na niyakap ang anak at napaiyak sa nangyari.

Wala pa namang reaksyon si Bianca tungkol sa insidente.

Facebook Comments