8 Patay sa Banggaan ng Bus at Van sa Pamplona, Camarines Sur Kagabi

248

Walong sakay ng pampasaherong Van ang binawian ng buhay matapos magkasalpukan laban sa isang Bus sa Hi-way ng Brgy. San Vicente sa bayan ng Pamplona sa Camarines Sur kagabi, November 6, 2019, bandang alas 8 ng gabi.
Ang mga namatay na biktima ay kinilalang sina Joepel Bernal, taga-Paracale, Camarines Norte, Irene Abas – taga Masbate, Mae Acdan – taga-Daet, Camarines Norte, Mark Dave Doctor – taga-Mercedes, CamNorte, Josephine Golgota – Oas, Albay, Armani Calpe, driver ng Van at 2 pang babae na hindi pa alam ang kanilang pagkakakilanlan.
Ayon sa police report, ang JRV Bus na may plate # EVP-129, galing Naga papuntang Maynila ay sinubukang mag-overtake sa isang tricycle nang mabundol nito ang nasabing tricycle at nalihis sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan head-on nitong sinalpok ang rumaragasang Van, Plate # EVU 222, na puno rin ng pasahero at minamaneho ni Armani Calpe. Galing sa Daet ang Van at papuntang Naga City.
Ilan pang pasahero ng Van ang mga nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa mga hospital sa Naga City.
Sumuko naman sa pulis ng bayan ng Libmanan ang driver ng bus.
















Facebook Comments

From Advertisers