Nanawagan ng mapayapang pag-uusap ang Japan at Russia sa North Korea para matigil na ang pakikipag-alitan nito sa Amerika.
Ayon kay Russian President Vladimir Putin, suportado siya ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa nasabing mapayapang pag-uusap.
Ang nasabing plano ay nabuo nang magkita ang dalawang lider sa Moscow, kung saan ito ang kanilang gagawing paraan upang matigil na ang kaguluhan sa Korean peninsula.
Matatandaang pinag-initan ng US ang North Korea dahil sa patuloy na missile test nito.
Nagsagawa na rin ng military drill ang US sa South Korea kung saan nakatakdang i-activate ng US ang missile defense system nito.
DZXL558
Facebook Comments