Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi humirit ang Russia at China na magkaroon ng military bases sa Pilipinas kapalit ng kanilang defense support sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte – nagkakaroon lamang ng goodwill visit ang mga barko ng China at Russia sa mga daungan sa bansa.
Pero iginiit ng Pangulo na hindi sila magtatayo ng permanenteng base militar.
Tiniyak din ng Pangulo na wala siyang intensyon na bumuo ng bagong military alliances sa China o Russia.
Paniniguro pa ng Pangulo na patuloy niyang itataguyod ang independent foreign policy ng bansa.
Samantala, nag-alok na ng tulong ang Russia sa Pilipinas para tugisin ang mga nasa likod ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Russian President Vladimir Putin – dapat mapanagot ang mga responsable sa pagsabog.
Tinawag din ni Putin na isang uri ng kalupitan ang pambobomba sa simbahan.
Handa ang Russia na palakasin ang ugnayan nito sa Pilipinas para labanan ang terorismo.
Malugod namang tinanggap ng Malacañang ang alok at tulong ng Russia.