Russia, handang magpaabot ng tulong sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Handang magpaabot ng tulong ang Russia sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa dahil sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Russian Ambassador Marat Pavlov, sa courtesy visit nito kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay napag-usapan nila ang patungkol sa produktong petrolyo.

Sinabi ni Pavlov na handa silang makipagtulungan sa Pilipinas upang matugunan ang mga pangangailangan sa mga mapagkukunan ng enerhiya.


Nabatid na bagama’t hindi direktang bumibili ng langis ang Pilipinas mula sa Russia, ang mga trading partner nito na China, South Korea, at Japan ay bumibili direkta sa Russia.

Facebook Comments