MMDA, naghahanda na sa pagbubukas ng face-to-face classes sa Agosto

69

Ikinakasa na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Oplan Balik Eskwela 2022 para sa ligtas na pagbubukas ng face-to-face classes sa Agosto.

Partikular na pinaghahandaan ng MMDA Traffic Discipline Office (TDO) ang pagtiyak sa ligtas na mga lansangan.

Makikipagpulong din ang MMDA sa school administrators, Parent-Teacher Associations (PTA) at sa local traffic bureaus sa National Capital Region (NCR) para talakayin ang road safety checks sa school zones.


Sinimulan na rin ng MMDA ang pagpipintura sa pedestrian lanes sa paligid ng mga eskwelahan sa Metro Manila.

Facebook Comments