Russia, idineklara na ng European Parliament bilang “state sponsor of terrorism”

42

Idineklara na ng European Parliament ang Russia bilang “state sponsor of terrorism.”

Ito ay kasunod ng mga ikinasang pag-atake ng Russian Federation kontra sa mga sibilyan sa Ukraine, kung saan nagresulta sa pagkasira ng mga imprastraktura at iba pang serious violations sa human rights at International Humanitarian Law (IHL).

Nabatid na matagal na itong panawagan ng Kyiv sa international community dahil sa ginagawa nitong pananakop sa Ukraine.


Kasunod nito, ikinatuwa naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang naturang desisyon at hinimok ang Amerika at iba pang mga bansa na gawin na rin ang nasabing hakbang.

Pero, ikinagalit naman ng Moscow ang desisyon ng European Parliament, kung saan tinawag ni Russian Foreign Ministry Spokeswoman Maria Zakharova ang parlyamento bilang “sponsor of idiocy”.

Facebook Comments