Russia, itinigil na ang pagsu-supply ng natural gas sa Finland

Kinumpirma ng state-owned energy company na Gasum na itinigil na ng Russia ang pag-supply nila ng natural gas sa Finland.

Ayon sa Gasum, ang hakbang ng Russia ay dahil sa pagsali ng Finland sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) at ang hindi pagbayad nila ng roubles.

Tiniyak naman ng Gasum na walang magiging epekto ito sa kanilang supply.


Nauna na ring pinutol ng Russia noong April ang natural gas supply sa Poland at Bulgaria dahil sa hindi pagbayad ng roubles.

Facebook Comments