Russia, magtatayo ng 2 land-based missile systems

Plano ng Russia na bumuo ng dalawang bagong land-based missile launch systems bago ang taong 2021.

Tugon ito ng Moscow sa plano ng Estados Unidos na kumalas sa isang Nuclear Arms Control Pact.

Ayon kay Russian President Vladimir Putin – suspendido na ang cold war-era intermediate-range nuclear forces treaty (INF) na siyang nagbabawal sa U.S. at kanilang bansa na magtalaga ng land-based missiles sa Europa.


Aniya, kung sinimulan na ng Amerika ang research, development at design work sa bagong missile systems ay gagawin din nila ito.

Ang U.S. at Russia ay nagbabangayan sa bawat isa at nagpapalitan ng akusasyong lumabag ang mga ito sa nasabing kasunduan.

Facebook Comments