Russia, nagdeklara ng State of Emergency kaugnay ng nangyaring oil spill sa Artic Circle

Nagdeklara na si Russian President Vladimir Putin ng state of emergency matapos tumagas ang 20,000 toneladang langis sa ilog na bahagi ng Arctic Circle.

Ayon sa ulat, lumubog ang haligi na sumusuporta sa fuel tank ng isang nickel power plant malapit sa Norilsk City.

Nabatid na dumaan pa ang dalawang araw bago ito nadiskubre ng mga otoridad na ikinagalit naman ng presidente sa nasabing bansa.


Sa ngayon ay iniimbestigahan na ang nasabing insidente habang ikinulong naman ang manager ng nasabing planta.

Facebook Comments