Manila, Philippines – Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa tulog na ibinigay ng Russia sa Armed Forces of the Philippines para labanan ang Maute-ISIS terror group sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming armas at military trucks.
Sinabi din naman ni Pangulong Duterte kay Medvedev na nagpaplano siyang maglagay ng isang trade house sa Moscow, Russia para doon ibida ang mga produktong Pilipino.
Sinabi naman ni Medvedev na handa ang Russia na palawigin pa ang relasyon nila sa Pilipinas sa larangan ng pulitika, trade and economic cooperation, culture at paglaban sa terorismo pati na ang technical cooperation.
Sinaksihan naman ni Pangulong Duterte at Prime Minister Medvedev ang paglagda sa ilang kasunduan.
Nilagdaan kasi ang Mutual Assistance on Criminal Matters and Extradition pati ang Memorandum of Understanding for Cooperation sa larangan ng Energy, Communication, Transport Education, Education, Intellectual Property at Audit.
Nilagdaan din sa harap ng dalawa ang Business to business agreement sa pagitan ng Filipino Company Global Rerronickels Holdings inc. at Russian Company V Holding LLC.