Nakahanda ang Moscow na makipag-ugnayan sa Estados Unidos para maayos ang Syrian crisis.
Ito ay ayon sa pahayag ni Russian foreign minister Sergei Lavrov.
Iginiit ng Russia na handa silang magkaroon ng panibagong kooperasyon sa Washington para pag-usapan ang kasalukuyang krisis sa Syria lalo na ang paglaban sa terorismo.
Inaasahan naman ng mga awtoridad ng Russia na makikipag-ugnayan ang oposisyon ng Syria sa gaganaping Syria Peace Talks sa Astana, Kazakhstan sa Mayo 3 at 4.
DZXL558rmn
Facebook Comments