Nangako si Russian President Vladimir Putin na tataasan ang volume ng deliveries ng Sputnik V COVID-19 vaccines.
Sa ginanap na telesummit, tiniyak ni Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte na makakatanggap ang Pilipinas ng mas maraming supply ng COVID-19 vaccines.
Handa aniya ang Russia na palakasin ang bilateral engagement sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan, kabilang na ang COVID-19 vaccine access.
Nagpapasalamat naman si Pangulong Duterte kay Pres. Putin sa kabutihang loob ng Russia ngayong pandemya.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakatanggap na ng 80,000 doses ng Sputnik V vaccines.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na makakakuha ang Pilipinas ng 10 milyong doses ng Sputnik V vaccines pero maaari pa itong umabot hanggang 20 milyon.