Manila, Philippines – Pupusan na ang ginagawang paghahanda ng Russia sa
nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo.
Ayon kay Russian Ambassador Igor Khovaev – nais nilang maging matagumpay
ang inaasahang “milestone” sa bilateral relation ng Pilipinas at ng Russia.
Inihahanda na rin aniya ang mga kasunduan na dapat pirmahan ng dalawang
Pangulo sa oras na magkita ang mga ito.
Dagdag pa ni Khovaev – bukas ang kanilang bansa ng pag-usapan ang kahit
anong paksa na nais ng Pilipinas lalo na ang mga bagay na magpapatatag sa
pagpapaunlad ng bilateral relations ng dalawang bansa.
Pero nilinaw naman ng Ambassador na bagamat handa silang pag-usapan ang
kahit anong paksa ay dapat itoy alinsunod pa rin sa kanilang basic
fundamental principles gaya na lamang ng hindi pakikialam sa internal o
domestic affairs ng kahit anong bansa at alinsunod sa international law.
Kailangan din aniya na makatulong ang anumang usapin sa pagpapatibay ng
bilateral relations ng dalawang bansa gayundin ang pagpapalakas ng peace
stability sa rehiyon.