Russia, tutulungan ang Pilipinas na palakasin ng defense capabilities

Nag-alok ng tulong ang Russia para mapalakas ang kakayahan ng Pilipinas na labanan ang terorismo.

Kasunod ito ng pagsabog sa Jolo, Sulu at Zamboanga City.

Ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev – ipinapaabot nila ang simpatya sa mga biktima ng mga pagsabog at kasama sila ng Pilipinas sa pagkondena sa insidente.


Nais ng Russia na tumulong na pagbutihin pa ang national defense capabilities ng bansa.

Pinasalamatan naman ng Malacañang ang Russia at tinanggap din ang alok nitong tulong.

Facebook Comments