Iligan City – Darating ngayong araw dito sa lungsod ng Iligan ang Russian government para mag-turn over ng mga donasyon sa biktima ng mga kalamidad.
Ayon kay DSWD Information Officer Charmaine Tadlas naang tatagap ng naturang mga donasyon ay hindi lang yungbiktima sa Marawi Siege kasali na rinyung biktima ng bagyong Vinta at Agaton.
Mismong ang mga malalaking opisyal ng Russian ang magturn over ng kanilang donasyon kina DSWDUndersecretary Ilagan, OPPAP Secretary Jesus Dureza atHUDCC Asec Castro.
Ang pagpapatibay ng relasyon ng Russian at bansangPilipinas ang isa sa dahilan ng Russian government na magbigay ng donasyon sa mgakababayan nating biktima ng ibat-ibang uri ng kalamidad.
Ang DSWD ang siyang mamamahala sa nasabing mga donasyon na ilalagay sa kanilang warehouse sa barangay Dalipuga ditto sa lungsod ng iligan. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
Russian Government may e-turn over na mga donasyon sa mga biktima ng kalamidad sa Iligan City
Facebook Comments