Rusia – Sikat na sikat ngayon ang isang Russian hairstylist na si Daniil Istomin matapos niyang makuha ang atensyon ng mga tao dahil sa kanyang kakaibang pamamaraan nang pagupit ng buhok.
Gamit ang isang palakol, walang takot niyang pinuputol ang buhok ng kanyang mga kliyente habang nakapatong ang ulo nito sa ibabaw ng lamesa.
Ayon kay Istomin, nakuha niya ang ideyang ito batay sa makalumang kaugalian ng ilang matatandang lalaki sa tuwing nag-aahit sila.
Dagdag pa niya, mas madali at mabilis itong gamitin kung ikukumpara sa gunting.
Sa kasalukuyan, binansagan na siyang “The Siberian Sweeney Todd,” na halaw sa isang nakamamatay na barbero ng Victorian England.
DZXL558
Facebook Comments