Tatlo – patay sa drug raid sa Ilocos Norte

Ilocos Norte, Philippines – Patay ang tatlong katao makaraang pagbabarilin ng mga otoridad sa isinagawang raid sa isang compound sa barangay Tapao-Tigue, Currimao, Ilocos Norte.

Ayon kay S/Insp. Ryan Retotar, chief of police ng PNP Currimao – target ng search operation ang isang Delfin Guiang na hinihinalang gun runner, at may-ari ng nasabing compound na malayo sa mga kabahayan.

Nakumpiska sa raid ang maraming high-powered firearms at ilang high explosives tulad ng TNT explosives at m203 grenade launcher.


Nabatid na nakipagbarilan ang mga suspek sa mga pulis kung saan naghabulan sila sa maburol na bahagi ng lugar.
DZXL558

Facebook Comments