Ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang kanilang nuclear forces sa nagpapatuloy na pakikipaglaban nito sa bansang Ukraine.
Ito ay matapos mahirapan ang mga Russian forces na salakayin ang naturang bansa dahilan upang tumindi lalo ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Mariing kinondena ito ng Amerika at North Atlantic Treaty Organization (NATO) kung saan itinuring nila ito bilang “aggressive, irresponsible and unacceptable” na maaaring magdulot ng mas malaking banta sa buong mundo.
Sa kabila nito, nanindigan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na hindi ito tatakas paalis ng bansa sa likod ng alok ng Amerika na itakas ito palabas ng Ukraine.
Samantala, inanunsyo ng bansang Canada na magpapadala ito ng ilang military protective equipments sa bansang Ukraine ngunit nanindigan din si Canadian Defense Minister Anita Anand na wala pa sa plano nito ang magpadala ng military troops sa naturang bansa.
Dahil sa nagpapatuloy na giiran ng dalawang bansa, nakatakdang magsagawa muli ng pagpupulong ang UN Security Council upang talakayin ang pagtugon sa humanitarian crisis sa bansang Ukraine.