Russian Pres. Putin, tinanggap ang imbitasyon ni Pang. Duterte na bumisita sa Pilipinas

69

Malugod na tinanggap ni Russian President Vladimir Putin ang imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Pilipinas.

Ang imbitasyon ay ipinaabot ni Pangulong Duterte sa Russian leader sa kanilang pag-uusap sa telepono kahapon kasabay ng 45th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia.


Ayon sa Malacañang, inimbita ni Pangulong Duterte si Pres. Putin na bumisita sa bansa kapag papahintulutan ng pagkakataon.

Nabatid na dalawang beses na bumisita si Pangulong Duterte sa Russia mula nang magsimula ang kanyang termino noong 2016.

Facebook Comments