Russian-Ukraine war, posible ring makaapekto sa seguridad ng WPS

Pwede ring makaapekto sa seguridad ng West Philippine Sea ang nagpapatuloy na hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Paliwanag ng security analyst na si Prof. Rommel Banlaoi, dahil abala ngayon ang Estados Unidos sa gulo sa Ukraine ay maaari itong samantalahin ng China para magsagawa ng military activities sa West Philippine Sea.

Dahil dito, hinimok ni Banlaoi ang pamahalaan na bantayan hindi lamang ang magiging aksyon ng China sa isyu ng Ukraine kundi maging sa isyu ng West Philippine Sea.


Facebook Comments