Russian vaccine, kailangang pumasa sa Philippine regulations bago isagawa ang clinical trials, ayon sa DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na dadaan pa sa regulatory procedures ang Russian vaccine na Sputnik V bago gawin ang clinical trials.

Nabatid na iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na kailangan pa ng masusing pag-aaral sa nasabing bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, gaya ng iba pang produkto ay kailangang dumaan ang bakuna sa proseso.


Aniya, kailangan ng approval mula sa Food and Drug Administration (FDA) at Ethics Board bago umusad ang clinical trials sa Pilipinas.

Hindi pa aniya malinaw kung ilang participants ang kailangan sa trials.

Una nang sinabi ni FDA Director General Dr. Eric Domingo na aabutin ng dalawa hanggang apat na linggo ang pag-review sa bakuna.

Bukod sa Russian vaccine, ikinokonsidera rin ng Pilipinas ang limang iba pang bakuna mula sa iba pang bansa.

Facebook Comments